^

Bansa

Mayor Magalong napikon: Tennis court inabot ng 3 taon

Pilipino Star Ngayon
Mayor Magalong napikon: Tennis court inabot ng 3 taon
Sinabi ni Magalong na dahil sa galit niya ay nais na niyang ipa-terminate ang rehabilitasyon ng kanilang tennis court sa St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ikinagalit ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mabagal na rehabilitasyon ng isang tennis court na bahagi ng Baguio athletic bowl sa Baguio City.

Sinabi ni Magalong na dahil sa galit niya ay nais na niyang ipa-terminate ang rehabilitasyon ng kanilang tennis court sa St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation.

Ang St. Gerrard ang winning bidder at napagkalooban ng kontrata para sa P110 million sports facility sa nasabing lungsod at sinimulang gawin noong Oktubre 30, 2022.

Mayroon lamang 470 calendar days o 15 buwan ang contractor para tapusin ang proyekto subalit natagalan sa hindi malamang dahilan.

Dahil dito kaya nagalit ang Alkalde at ipapa-terminate na sana ang nasabing proyekto.

“Nagalit na ako na iterminate na yan… bigla na lang nagpunta ang St. Gerrard (contractor) nag-hire na sila ng maraming tao para matapos ang tennis court nagalit kasi ako mga 2 months ago kasi for termination na nga,” pahayag ni Magalong.

Dagdag pa ng alkalde, nang sinabihan niya ang St. Gerrard Contractor na ipatitigil na ang rehabilitasyon ng Baguio tennis court, nagpadala ito ng maraming tauhan upang agad na tapusin ang proyektong nakabinbin.

“Nun sinabi ko for termination na kasi nga galit na galit na ko dahil delayed na delayed na kami bigla silang (St. Gerrard construction) nagpanic, pinadala nila ang mara­ming tao dito at nagdagdag pa ng contractor at nagkaroon kami ng inauguration at maganda ng kinalabasan ng tennis court,” pahayag ni Magalong.

Nitong nakalipas na mga buwan, nagbanta ang alkalde na ipa-blacklist ang St. Gerrard bunsod ng pagkaka-antala sa pagtatapos ng ­naturang proyekto.

Pinasinayaan ang Baguio Tennis Court nito lang May 5 na malayo sa June 21, 2024 na petsang inaasahang pagtatapos ng proyekto.

Ang bagong gawang sports facility ay mayroong tatlong international-­standard ball courts na sumunod sa standards ng International Tennis Federation (ITF) upang makapag-host ng international at national tennis tournaments. Ang pondong inilaan sa Tennis Court rehab project ay nagmula sa trust fund ng siyudad.

Base sa datos, napatawan ng “blacklisted from participating in all government projects” ang St. Gerrard dahil sa delay ng 4-storey-4 Units Laboratory/Workshop Building sa Lumampong National High School sa Indang, Cavite noong 2020.

Kabilang sa mga may-ari ng St. Gerrard si Cezarah Cruz-Discaya na mayoralty candidate sa Pasig City at asawa nitong si Pacifico Discaya II na second nominee naman ng tumatakbong Pinoy Ako Partylist group.

BAGUIO CITY

Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->